Ang Seat Belt
Ang seat belt ay isang karagdagang gamit
sa kotse, eroplano at iba pang sasakyan na dapat ikabit sa katawan ng
pasahero upang siya ay hindi tumilapon kung biglang huminto ang sasakyan
o magkaroon ng sakuna.
Ayon sa statistics ng mga vehicular
accidents, 75% ng mga naliligtas sa sakuna ay ang mga taong gumagamit ng
seat belt. Subalit lumalabas sa pagsusuri ng 11% lamang ng mga pasahero
ang gumagamit nito kaya maaaring marami pa ang mamatay sa mga vehicular
accidents, dahil sa hindi paggamit ng seat belt.
Ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?
Tulad ng seat belt na makapgbibigay sa
atin ng proteksiyon upang hindi tayo mapahamak, ibinigay sa atin ng
Diyos ang Panginoong Cristo Jesus bilang ating Tagapagligtas, "…ang
Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan. Sapagkat sinugo
ng Siyos ang Kanyang Anak, hisi upang hatulang maparusahan ang
sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya" (Juan 3:16-17).
Sa
Mateo 11:29, sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo, "Pasanin ninyo ang Aking
pamatok, at mag-aral kayo sa Akin, Ako'y maamo at mababang-loob, at
makasusumpong kayo ng kapahingahan para s inyong kaluluwa." Kadalasan,
ang tugon ng tao'y, "Ayaw ko, ayaw ko, ayaw ko!" bagamat alam na nating
ang kalutasan sa ating mga problema sa buhay ay sa Kamay ng Diyos lamang
nakasalalay. Kagaya ng isang seat belt na dapat nating isuot upang tayo
ay hindi mapahamak, kailangan din nating tanggapin ang Panginoong
Jesu-Cristo at ang Kanyang mga salita.
Ayon sa nasusulat sa
Marcos 11:25, "Kapag kayo'y mananalangin, patawarin muna ninyo ang
nagkasala sa inyo upang ipatawad din naman sa inyo ng inyong Amang nasa
langit ang inyong mga pagkakasala." Subalit ano ang isinasagot natin?
"ay naku, Lord, alam po naman Ninyo ang isinasama ng aking loob sa tatay
at nanay ko! Pinatatawad ko na sila, subalit ayaw ko nang makita pa ang
kanilang pagmumukha!" Iyan ay isang kasinungalingan! Hanggang hindi
natin nililimot ang nakaraan, hindi natin masasabing nagpatawad na tayo
nang ganap.
Huwag na tayong manindigan sa ating maling
pangangatwiran. Sa halip, alisin na natin ang kataasan ng ating loob.
Pagsisihan at talikdan na natin ang ating mga kasalanan. Magpatawad at
humungi na tayo ng kapatawaran sa ating kapwa. Pakinggan at isabuhay
natin ang mga salita ng Diyos at tanggapin natin si Jesu-Cristo bilang
Panginoon at tangi nating Tagapagligtas. Kung magkagayon, para tayong
mga pasaherong nakasuot ng kani-kanilang seat belt - nakatitiyak tayong
maliligtas sa lahat ng kapahamakan sa ating paglalakbay sa buhay na ito
patungo sa Buhay na Walang Hanggan!
"Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko." (Juan 14:6)
|
No comments:
Post a Comment