Mga Gintong Aral ni Yahweh El Shaddai |
Ang DrayberAng drayber ang siyang nagmamaneho ng dyip, trak, bus, kotse o anumang uri ng sasakyan. Kapag siya'y nagmamaneho, nararapat lamang na siya ang masunod dahil siya ang nakakaalam ng daraanan. Minsan, ako'y inanyayahang maghayag ng Salita ng Diyos sa isang prayer meeting sa Kalookan. Mula sa amorsolo, dumaan kami ng aking drayber sa Port Area. Ngunit dahil masyadong masikip ang traffic doon, itinuro ko sa kanya ang isang daan na sa akala ko'y mas maluwag. Sumunod naman sa akin ang aking drayber. Hindi nagtagal, doon pala sa nilipatan naming daan ay halos isang oras nang hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Sa tingin ko'y naiinip na ang aking drayber subalit tahimik lamang siya. Hindi ko naman siya masisi dahil ako ang nagturo sa kanya ng daan iyon. Ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay dito sa mundo, ang Panginoong Jesu-Cristo ang dapat manguna bilang Drayber ng ating buhay. Alam Niya ang ating daraananm ang ating kailangan at ang makabubuti sa atim. Ngunit kapag patuloy tayong aasa sa sarili nating karunungan at makikialam sa kalooban ng Maykapal ay patuloy tayong makararanas ng kaguluhan, kahirapan at kapighatian sa ating buhay. Subalit sa sandaling ipagkatiwala natin sa kamay ng Diyos, hindi lamang ang ating suliranin kundi ang lahat sa ating buhay, magagawa niyang tugunin ang ating mga pangangailangan at pagalingin ang ating mga karamdaman. Umasa at manalig tayo sa Diyos, at makikita natin ang Kanyang himala. Siya ay laging nakahandang magbigay ng biyaya ay magbago ng ating buhay. Kaya nararapat na huwag na tayong mangangatwiran at magmamarunong. Isuko na natin sa Kanya ang lahat sa ating buhay; tayo'y manalig, manampalataya at tumanggap kay Jesu-Cristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas. Siya na ang lagi nating sundin sapagkat auon sa nasusulat, "Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananahan sa sariling karunungan. Siya at sangguniin sa lahat mong mga balak, at Kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad" (Kawikaan 3:5-6)
"Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga kabalisahan sa buhay sapagkat Siya ang kumukupkop sa inyo." (1Pedro 5:7) |
No comments:
Post a Comment