Mga Gintong Aral ni Yahweh El Shaddai |
Ang LiwanagKapag hindi pa sumisikat ang araw, madilim ang ating paligid. Wala tayong nakikita. Subalit kapag sumisilay na ang araw, unti-unting lumiliwanag ang ating kapaligiran. Nakikita ba natin ang liwanag? Hindi, maliban kung ito'y tumama sa mga tao, bahay, gusali, daan, halaman, punongkahoy, at iba pang pisikal na bagay. Samakatuwid, ang ating nakikita ay ang mga bagay na naliliwanagan, hindi ang liwanag. Ano ang ibig sabihin nito sa ating buhay?Ang ating Panginoong Jesu-Cristo, na nagsasabing "Ako ang ilaw ng sanlibutan" (Juan 8:12), ay ang Dakilang Liwanag na hindi nakikita ng mundo. Subalit maari natin Siyang makita sa buhay ng bawat taong nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan, nagsabuhay ng Kanyang Salita, at tumanggap sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ayon pa sa 2 Corinto 5:17, "Ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na." Marunong na siyang magpatawad sa mga taong nagbigay sa kanya ng sama ng loob. Hindi na rin siya mareklamo, o kaya'y laging nakasimangotm sa halip ay lagi na siyang masaya at nagpupuri sa Panginoon. Malaya na siya sa kanyang mga bisyo, at palagi nang nakikinig ng Salita ng Diyos. Kung siya'y dating bakla o tomboy, ngayon at tunay na siyang lalaki o tunay na babae! Bukod dito, ang sinumang tinatawag na bagong nilalang ay nagtataglay ding ng mga bunga ng Espiritu Santo: "Ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili" (Galacia 5:22). Ayon pa rin sa Roma 8:5, "Sapagkat ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay nahuhumaling sa mga bagay na ukol sa laman, ngunit ang namumuhay sa patnubay ng Espiritu ay nagsisikap ukol sa mga bagay ukol sa mga bagay na espirituwal." Kapuna-puna rin siya sa mga taong nasa kanyang paligid. Maririnig mong sinasabi ng kanyang mga kapitbahay ang ganito: "Alam n'yo si Aling Maria ay nagbabayad na ng utang!" o kaya'y "Dati ang sambahayan ni Mang Pedro ay magulo at laging nagbubuntalan, ngayon sila'y masaya na at nagmamahalan pa!" Ang lahat ng ito at nagagnap sapagkat ang taong kaisa ni Cristo at kinakikitaan ng "liwanag ni Cristo," at nagiging "liwanag" naman sa kanyang kapwa. Siya at nagiging kalugod-lugod, huwaran sa kanyang pananalita, pananamit, pakikipagkapwa, pananampalataya, at sa uri ng kanyang pamumuhay. Siya ay nakapagdudulot din ng kagalakan, pagmamahalan, at pagkakaisa, hindi lamang sa kanyang tahanan at mga kapatid sa Panginoon, kundi pati na rin, sa kanyang kaaway!
"Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika Niya, 'Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa Akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad sa kadiliman." (Juan 8:12) |